LAKANDIWA:
Ang pagsisimula ng pasok sa Setyembre
Ay nakakaaliw sa isang estudyante.
Ngunit merong hindi nagkakasundo dito
Kaya isinulat namin ang iskrip na to.
Ako'y si Hanie at ako ang lakandiwa,
Halata na mahal namin ang ating wika.
Ang dalawang partido, sila'y magtatalo,
Para pagkatapos mayroong mananalo
Ipinapakilala ko silang dalawa,
Ang magtatalo para kayo'y maniwala.
Siya ay ang mambabalagtas sa sang-ayon. (ako'y si Josef)
Siya ang mambabalagtas sa disang-ayon. (ako'y si Ryan)
MAMBABALAGTAS (RYAN):
Maraming salamat sa ating Lakandiwa
sa isang magiliw na pagpapakilala't.
sa mga nanonood na nagtipon-tipon,
Hayaang ihayag ko ang aking opinyon.
MAMBABALAGTAS (JOSEF):
Huwag nyong pakinggan at ako'y inyong dinggin,
Dahil ako ay masmadaling intindihin.
Ako'y laging sang-ayon sa ideyang ito,
Sapagkat masmalamig ang panahon dito.
ISKRIP
LAKANDIWA:
Salamat sa ating mga mambabalagtas.
Dapat ang inyong mga isip ay matalas.
Ngayon maguumpisa na ang ating laban,
Maghanda na kayo para sa balagtasan.
LAKANDIWA:
Salamat sa ating mga mambabalagtas.
Dapat ang inyong mga isip ay matalas.
Ngayon maguumpisa na ang ating laban,
Maghanda na kayo para sa balagtasan
MAMBABALAGTAS (JOSEF):
Alam mo bang pagdating ng ganung panahon
Masarap mag-aral marami ang okasyon
Malamig ang hangin, ika'y hindi aantukin
Ilipat na natin sa Setyembre and pasok natin.
Bakasyon mahaba mararanasan natin
Tatlong buwan, bakasyon ay di mabibitin.
Oras sa pamilya ay masusulit natin
Maraming magagawa 'tsaka mararating.
Ito ay na ayon sa modernong panahon
Tulad sa ibang bansang may sistemang ganon.
Halina at kayo sa aki'y sumang-ayon,
Para ito ay maipatupad na ngayon.
MAMBABALAGTAS (RYAN):
Pagdating sa aming paksang pagtatalunan
Ako ay hindi sang-ayon kahit kailanman.
Bakit papalitan ang ating nakagisnan
Upang tumulad tayo sa mga dayuhan?
Hunyo ang buwan para sa unang pasukan,
Anong kaibahan ng Setyembre nino man?
Parehas lang naman ang bilang ng pasukan.
Bakit kailangan pa natin pagtalunan.
Mas maganda kung sa Hunyo ang mag-uumpisa,
Nang pagdating ng bakasyon ay tag-init pa.
Kaysa sa Setyembre ang atingpag-umpisa.
Anopang ating madadatnan tag-ulan na.
KONKLUSYON:
Matapos ninyong marinig ang bawat panig,
Kayo na ang magdesisyon at isatinig.
Pasukan ba ay dapat Setyembre o Hunyo
Tulungan nyo akong mamili ng panalo.
Inyo nang narinig ang panig ng dalawa.
Di ba't sinabi nila'y kaiga-igaya?
Ating balikan kanilang nga dahilan,
Kung anong buwan ang simula ng pasukan.